Noong Agosto 2, 1974, nagtungo sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet ang kauna-unahang grupo ng mga gurong Tsino upang tumulong sa pagpapatatag ng pundasyon ng edukasyon sa rehiyong ito.
Sa panahong iyon, may kakulangan sa mga guro sa Tibet, kaya upang suportahan ang rehiyon sa pagpapa-unlad ng edukasyon, 389 na guro mula sa Shanghai, Liaoning, Jiangsu, Henan, Hunan, Sichuan, at ilang departamento ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang ipinadala.
Sila ay nai-destino sa 8 eskuwelahang lokal.
Matapos mapagtagumpayan ang maraming kahirapang tulad ng altitude sickness, ipinakita ng mga guro ang kanilang determinasyon para makapag-ambag sa usaping pang-edukasyon ng Tibet.
Si He Xiaobo at mga estudyanteng Tibetano
Mula noong Agosto 2017 hanggang Setyembre 27, 2018, nagturo sa isang paaralan sa Lhasa, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, si He Xiaobo, isang gurong mula sa Beijing.
Makaraan ang mahigit isang taong pagsasama ni He at 44 na batang Tibetano, nabuo ang malalim na damdamin.
Dahil sa kanyang puspusang pagpupunyagi sa Lhasa, pinapurihan at kinilala siya ng 44 estudyanteng Tibetano at kanilang mga magulang.
Ang kuwento ni He ay isang kuwento ng pagpupunyagi at tagumpay – isang kuwentong akma sa ika-70 taong anibersaryo ngayong taon ng mapayapang liberasyon ng Tibet.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Dapat pangalagaan ang “natitirang pure land” na Tibet — Xi Jinping
CMG Komentaryo: “Tibet card” ng mga pulitikong Amerikano, basurang papel
White paper hinggil sa mapayapang liberasyon at masaganang pag-unlad ng Tibet, inilabas ng Tsina
Insenso ng Nyemo county ng Tibet, nag-ahon sa buhay ng mga lokal na mamamayan