Sa kanyang pakikipag-usap sa pamamgitan ng video link Setyembre 9, 2021, kay Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa taong ito, sa estratehikong patnubay ng pinakamataas na lider ng mga partido at ng bansa, nagtulungan sa isa’t isa ang Tsina at Laos sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), magkasamang ipinagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at malaki rin ang pag-unlad ng bilateral ng kalakalan ng Tsina at Laos.
Ani Wang, dapat walang humpay na gawing masagana ang nilalaman ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Laos para sa hene-henerasyon na paghahatid ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Samanatala, ipinahayag ni Saleumxay Kommasith na nakahandang magsikap ang Laos, kasama ng Tsina, para komprehensibong isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay ng kani-kanilang pinakamataas na lider ng partido at ng bansa, magkasamang pigilan ang pakiki-alam ng puwersang panlabas, pasulungin ang bagong progreso ng konstruksyon ng China-Laos Economic Corridor, igarantiya ang pagsasaoperasyon ng China-Laos Railway sa loob ng taong ito, para magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac