Eksklusibong isasahimpapawid ng China Media Group (CMG) ang mga programa ng Olimpiyada sa rehiyon ng Chinese mainland at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao. Magkasamang ipinatalastas nitong Huwebes, Setyembre 9, 2021 ng International Olympic Committee (IOC) at CMG ang pagkakaroon ng kasunduan para rito.
Sa online ceremony, nilagdaan nina Shen Haixiong, President ng CMG, at Thomas Bach, President ng IOC ang nasabing kasunduan.
Ang dalawang Winter Olympic Games na gaganapin sa Milan-Cortina d'Ampezzo sa 2026 at isa pa sa 2030, dalawang Summer Olympic Games na magkahiwalay na gaganapin sa Los Angeles sa 2028 at sa Brisbane sa 2032, at lahat ng mga Youth Olympic Games hanggang 2032 ay pasok sa nasabing kasunduan.
May eksklusibong karapatan ang CMG sa pagsasahimpapawid ng mga programa ng Olimpiyada sa lahat ng mga plataporma, na kinabibilangan ng open circuit television, pay television, internet, mobile devices, at iba pa. May karapatan din itong mag-sub-license ng karapatan sa pagsasahimpapawid sa Chinese mainland at Macao SAR.
Ayon sa salaysay, ang CCTV Olympic Channel, kauna-unahan sa mundong 4K+HD, walang patid na open circuit at satellite transmitting TV channel ay ilulunsad sa taong ito, kasabay ng CCTV Olympic Channel digital platform.
Inihayag ni Shen Haixiong na ibayo pang magpapatingkad ang CMG ng sariling namumunong bentahe sa teknolohiya ng 5G+4K/8K+AI, at malalimang makikipagkooperasyon sa IOC sa mga larangang gaya ng public broadcasting production, 8K Ultra HD transmission at iba pa, para ikober ang kamangha-manghang Olimpiyada sa buong mundo.
Salin: Vera
Pulido: Mac