Isang liham na pambati ang ipinadala ngayong araw, Setyembre 10, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-18 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 30 taon sapul nang itatag ng Tsina at ASEAN ang relasyong pandiyalogo, walang humpay na lumalalim ang komprehensibong kooperasyon ng kapuwa panig, at nagsilbing pinakamasiglang kooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Diin ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang estratehikong pagtitiwalaan sa ASEAN, palalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangang gaya ng paglaban sa pandemiya, kabuhayan at kalakalan, pasulungin ang pagkakaroon ng bisa at pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa lalong madaling panahon, de-kalidad na itatag ang Belt and Road, likhain ang estratehikong partnership sa mas mataas na antas, at magkasamang pangalagaan ang mainam na tunguhin ng masaganang pag-unlad ng rehiyon.
Binuksan din sa araw na ito sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang ika-18 CAExpo at CABIS.
Salin: Vera
Pulido: Mac