Kooperasyong Sino-ASEAN sa ilalim ng pandemiya, isusulong pa

2020-11-30 15:17:56  CMG
Share with:

Idinaos kamakailan sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Tsina, ang 4 na araw na ika-17 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).

 

Sa isang panayam ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Djauhari Oratmangun, Embahador ng Indonesia sa Tsina, na kasalukuyang kumakalat pa rin ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa daigdig, at grabeng apektado ang kabuhayang pandaigdig. Lubos niyang pinapurihan ang pagdaraos ng Tsina ng nasabing ekspo sa kasalukuyang napakahirap na panahon.

 

Ang nasabing pagtitipon na idinaos sa espesyal na panahon, ay nagpapakita ng determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at pagpapalalim ng pakikipagkoneksyon sa kabuhayang ASEAN.

 

Magkakasunod ding ipinahayag ng mga personahe mula sa sirkulong pulitikal at komersyal ang kanilang pag-asang mapapalalim pa ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga bansang ASEAN at Tsina, at mapapasulong ang konektibidad sa rehiyong ito para mapasigla pa ang pag-unlad ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method