Sa kanyang pagdalo Huwebes ng gabi, Setyembre 9, 2021 sa Ika-13 BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) Summit via video link, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa kasalukuyang kalagayan, dapat palakasin ng mga bansang BRICS ang pagkakaisa para mapasulong ang pragmatikong kooperasyong BRICS tungo sa mas mataas na kalidad.
Kaugnay nito, iniharap ni Xi ang 5 mungkahing kinabibilangan ng una, dapat igiit ang pagkakaisa at palakasin ang kooperasyon sa pampublikong kalusugan; ikalawa, dapat igiit ang pagkakapantay-pantay at palakasin ang pandaigdigang kooperasyon ng bakuna; ikatlo, dapat igiit ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win result at palakasin ang kooperasyong pangkabuhayan; ikaapat, dapat igiit ang katarungan at palakasin ang kooperasyon ng kaligtasang pulitikal; ikalima, dapat igiit ang pag-aaral sa isa’t-isa at palakasin ang kooperasyong kultural.
Salin: Frank