Ekonomiya ng Tsina noong Agosto, matatag at mabuti

2021-09-15 15:48:32  CMG
Share with:

Patuloy ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayang Tsino at ito’y lubos na nagpapakita ng katatagan sa pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina.

 

Ito ang ipinahayag sa news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, Setyembre 15, 2021 ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng bansa.

 

Ani Fu, matatag at may progreso ang pag-unlad ng iba’t-ibang industriya ng Tsina noong Agosto.

 

Mabilis aniya ang paglaki ng pamumuhunan sa haytek na industriya ng manupaktura;  mabuti ang pag-unlad ng mga modernong industriya ng serbisyong tulad ng industriya ng impormasyon at iba pa; at walang humpay na dumaragdag ang mga paksang tinatangkilik sa merkadong Tsino.

Ekonomiya ng Tsina noong Agosto, matatag at mabuti_fororder_05jingji

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method