Ayon sa ulat ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), Setyembre 15, 2021, na tinaguriang “Ulat sa Kalakalan at Pag-unlad 2021,” mainam ang kalagayan ng kabuhayang Tsino.
Ayon dito, sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease (COVID-19), matagumpay na naiwasan ng Tsina noong 2020 ang resesyong pangkabuhayan at mabilis na isinagawa ang malakas na hakbangin ng pagpigil sa pagkalat ng virus.
Ang mga proyekto ng pamumuhunan sa loob ng Tsina, at malaking pangangailangan ng ibang mga bansa sa mga produktong industriyal ay nakakatulong sa pagbangon ng kabuhayang Tsino, anang ulat.
Ayon pa sa ulat, matatag ang kabuhayan sa rehiyong Silangang Asya noong 2020, at sa pamamagitan ng kabuhayang Tsino, tinatayang aabot sa 6.7% ang paglaki ng kabuhayan sa rehiyong ito sa 2021.
Samantala, tinaya rin ng UNCTAD na malalampasan ng kabuhayang Tsino ang itinakdang target na 6% sa taong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio