Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Setyembre 16, 2021, 80 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 31 ay galing sa labas ng bansa, at 49 ay domestikong kaso.
Hanggang magha-hati gabi ng Setyembre 15, 2021, 877 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland.
Samantala, 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio