Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Huwebes, Setyembre 16, 2021, 84 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Kabilang dito, 22 ang galing sa labas ng bansa, at 62 naman ang naiulat ng kasong lokal, na karamihan ay mula sa Xiamen, Zhangzhou, Quanzhou at Putian.
Bukod dito, 2 ang bagong karagdagang pinaghihinalaang kaso, na galing din sa labas ng bansa.
Batay pa sa datos, sa araw ng Setyembre 16, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 916.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Mac