Bakuna kontra COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa mga tauhang pamayapa ng UN

2021-09-18 15:55:58  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos Setyembre 17, 2021, ang seremonya ng paglilipat ng mga bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina sa mga tauhang pamayapa ng United Nations (UN).

Bakuna kontra COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa mga tauhang pamayapa ng UN_fororder_02bakuna

Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhang Maoyu, Pangalawang Puno ng Pambansang Ahensya sa Pandaigdigang Pag-unlad (CIDCA) ng Tsina, na layon ng pagkakaloob ng naturang mga bakuna na igarantiya ang kaligtasan at kalusugan, at tulungan ang mga tauhang pamayapa ng UN na mas mabuting isakatuparan ang kanilang tungkulin.

 

Ang Aprika ay ang priyoridad na rehiyon kung saan gagamitin ang mga bakuna.

 

Sinabi pa ni Zhang, patuloy pang palalalimin ng Tsina ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa COVID-19 tungo sa katatagan at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at pagpapasulong ng pagtatayo ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.

 

Samantala, sa ngalan ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN, taos-pusong pinasalataman ni Christian Saunders, Asistenteng Pangkalahatang Kahilim ng UN, ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina.

 

Ipinahayag niya na kailangan at napapanahon ang nasabing mga bakuna at tiyak na patataasin ng mga ito ang kakayahan ng UN sa pagharap sa pandemiya.

 

Napakahalaga ng mga ito sa pagsasakatuparan ng tungkulin ng mga tauhang pamayapa ng UN, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method