Setyembre 13, 2021 - Dumating ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang panibagong dalawang milyong dosis ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na binili ng bansa mula sa kompanyang Sinovac ng Tsina.
Sa panayam sa paliparan, sinabi ni Kalihim Carlito Galvez Jr., Vaccine Czar at Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, na ang bagong-dating na mga bakuna ay bahagi ng 12 milyong dosis na nakatakdang ihatid ng Sinovac sa loob ng buwang ito.
Sa kabilang dako, inaasahan ding ihahatid sa Oktubre ang karagdagang 10 milyong dosis ng naturang tatak ng bakuna.
Dagdag pa riyan, tatanggapin ng Pilipinas sa loob ng buwang ito ang 5.5 milyong dosis ng bakuna mula sa COVAX facility, dagdag ni Galvez.
Nauna rito, ipinahayag Setyembre 11, 2021 ni Galvez, na dahil sa inaasahang pagdating ng mahigit 61 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, puwede nang simulan ng pamahalaang Pilipino sa susunod na buwan ang pangkalahatang pagbabakuna ng populasyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Photo courtesy: National Task Force Against COVID-19
Tsina, nagkaloob ng karagdagang 1 milyong dosis ng libreng COVID-19 vaccines sa Pilipinas
Unang pangkat ng libreng Sinopharm vaccines na kaloob ng Tsina sa Pilipinas, dumating
Karagdagang 3 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas
Pilipinas, tinanggap ang karagdagang 2 milyong bakuna ng Sinovac mula sa Tsina