Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Setyembre 17, 2021, 46 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 15 ang galing sa labas ng bansa, at 31 ay domestiko mula sa lalawigang Fujian sa dakong timog ng Tsina.
Hanggang magha-hati gabi ng Setyembre 17, 2021, 913 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
Samantala, 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio