Sa pagtatagpo nitong Setyembre 20, 2021 nina Mohammed Hassan Akhund, umaaktong Punong Ministro ng pansamantalang pamahalaan ng Afghan Taliban, at Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), tinalakay ng kapwa panig ang tungkol sa mga problemang kasalukuyang kinakaharap ng Afghanistan sa larangan ng kalusugan.
Ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus na patuloy na tutulungan ng WHO ang sistemang pangkalusugan ng Afghanistan para maiwasan ang pagsadlak ng bansang ito sa makataong kapahamakan.
Ipinaabot naman ni Akhund ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong at suporta ng WHO sa Afghanistan.
Salin: Lito
Pulido: Mac