Sa pamamagitan ng video link, dumalo Setyembre 17, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa magkasanib na summit ng mga lider ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at Collective Security Treaty Organization (CSTO) tungkol sa isyu ng Afghanistan.
Kaugnay ng naturang isyu, iniharap ni Pangulong Xi ang tatlong mungkahi.
Una, dapat pasulungin ang matatag na transisyon ng situwasyon sa lalong madaling panahon. Dapat aniyang katigan ang iba’t-ibang panig ng Afghanistan tungo sa pagkakaroon ng inklusibong pagsasa-ayos na pulitikal sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian sa pinakamadaling panahon.
Ikalawa, dapat isagawa ang pakikipagkoneksyon at pakikipagdiyalogo sa Afghanistan. Sa rasyonal at pragmatikong pananaw, dapat isagawa ang pakikipagdiyalogo sa iba’t-ibang panig ng Afghanistan para tulungan ang bagong rehimeng Afghan sa pagtatatag ng mas bukas at inklusibong estrukturang pulitikal; pagsasagawa ng maramdamin at matatag na patakarang panloob at panlabas; at mapayapa at mapagkaibigang pakikipamuhayan sa iba’t-ibang bansa sa daigdig, partikular samga kapitbansa nito.
Ikatlo, tulungan ang mga mamamayang Afghan sa paghulagpos sa kahirapan. Dapat aniyang agarang ipagkaloob ang makataong tulong at suporta sa Afghanistan upang tulungan ang mga mamamayang Afghan sa pagpawi sa kanilang kahirapan. Ani Xi, idineklara na ng panig Tsino ang pagpapadala ng isang pangkat na pangkagipitang materyal na panaklolo sa Afghanistan sa lalong madaling panhon. Patuloy na ipagkaakaloob ng Tsina hangga’t makakaya ang mas maraming tulong sa bansang ito, dagdag niya.
Sa bandang huli, ipinagdiinan ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng iba’t-ibang panig upang suportahan ang mga mamamayang Afghan sa pagtahak sa mas maliwanag na kinabukasan tungo sa pangangalaga ng pangmatagalang kapayapaan at katahimikan sa nasabing rehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Kalagayan ng Afghanistan, tinalakay ng Pangulo ng Iran at PM ng Pakistan
Tsina sa Amerika: huwag maglagay ng mga hadlang sa rekonstruksyon ng Afghanistan
Taliban sa komunidad ng daigdig: kailangan ng Afghanistan ang tulong
Amerika, dapat tulungan ang Afghanistan na tugunan ang kahirapang pangkabuhayan - Tsina