Kapamilya ng mga nasawing Afghan sa drone strike ng Amerika, galit pa rin

2021-09-19 18:34:10  CMG
Share with:

Kapamilya ng mga nasawing Afghan sa drone strike ng Amerika, galit pa rin_fororder_微信图片_20210919181914

 

Kaugnay ng pagpatay ng tropang Amerikano sa 10 sibilyang Afghan sa drone strike na inilunsad nito sa Kabul, kabisera ng Afghanistan, noong Agosto 29, sinabi ni Romal Ahmadi, kapamilya ng naturang mga nabiktima, na hindi sapat ang paghingi ng paumanhin ng opisyal na Amerikano sa pamamagitan ng telebisyon.

 

Kapamilya ng mga nasawing Afghan sa drone strike ng Amerika, galit pa rin_fororder_微信图片_20210919181911

 

Dapat aniyang humarap ang mga Amerikano sa lahat ng mga kamag-anakan ng mga nabiktima, at humingi ng paumanhin. Dapat ding panagutin sa batas ang mga nagpaplano at nagsagawa ng naturang drone strike, dagdag niya.

 

Kapamilya ng mga nasawing Afghan sa drone strike ng Amerika, galit pa rin_fororder_微信图片_20210919181907

 

Winika ito ni Ahmadi sa panayam kahapon, Setyembre 18, 2021, ng correspondent ng China Media Group sa Kabul.

 

Kapamilya ng mga nasawing Afghan sa drone strike ng Amerika, galit pa rin_fororder_微信图片_20210919181916

 

Pinuna naman ni Mohammad Naseem, isa pang kapamilya, ang kanluraning media sa pagkober sa pangyayaring ito.

 

Kapamilya ng mga nasawing Afghan sa drone strike ng Amerika, galit pa rin_fororder_微信图片_20210919181919

 

Ayon sa kanya, pagkaraang kunin ang mga larawan ng sasakyan sa labas ng tahanang pinasabog sa drone strike, tinanong ng mga kanluraning mamamahayag na kung talagang walang bomba sa sasakyan, at sinubok din nilang hanapin ang mga bakas ng terorista sa loob ng tahanan.

 

Sinabi ni Naseem, na pagkaraang mabunyag ang katotohanan, dapat aminin ng naturang mga media ang kamalian, at humingi ng paumanhin para sa kanilang ginawa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method