Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati Setyembre 22, 2021, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Mataas na Pulong ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN) bilang pagdiriwang sa Ika-20 Anibersaryo ng Pag-aproba ng “Durban Declaration and Programme of Action.”
Sinabi ni Wang na ang deklarasyong ito ay watawat ng buong daigdig sa paglaban sa rasismo, at ito rin ay komong pangako ng iba’t-ibang bansa ng buong mundo.
Aniya, ang kalakalan ng alipin at kolonyalismo ay pangunahing pinagmulan ng rasismo, at dapat harapin ng mga kinauukulang bansa ang kasaysayan, isagawa ang hakbangin para alisin ang paghihirap na dulot nito.
Ang mga kinauukulang bansa ay may responsibilidad na labanan ang rasismo sa iba’t-ibang porma, lahad niya.
Dagdag ni Wang, hinihimok ng Tsina ang iba’t-ibang bansa na managan sa patakaran ng “Zero tolerance,” itayo ang framework na pambatas na laban sa rasismo, at palakasin ang diyalogo at pagpapalitan sa pagitan ng iba’t-ibang lahi at kultura, para igarantiya ang pagkakaroon ng karapatan sa pag-unlad ng bawat tao.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio