Tsina sa mga bansang kanluranin: Gumawa ng hakbang para tugunan ang isyu ng rasismo

2021-07-14 13:16:05  CMG
Share with:

Pinag-ukulan ng malawakang pansin ang isyu ng sistematikong rasismo at pagtatanging panlahi na laganap sa mga bansang kanluranin sa ika-47 sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).
 

Kaugnay nito, hinimok nitong Martes, Hulyo 13, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga kaukulang bansang kanluranin na mataimtim na tugunan ang pagkabahala ng komunidad ng daigdig, malalimang pag-isipan at gumawa ng konkretong hakbangin para malutas ang nasabing isyu.
 

Aniya, dapat gawin nila ang mga aktuwal na aksyon para sa pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao ng sarili nilang bansa, at ibigay ang ambag para sa pagpapasulong sa malusog na pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method