Setyembre 22, 2021, ipinahayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng Afghan Taliban, mula Setyembre 21 hanggang 22, dumalaw sa Kabul si Yue Xiaoyong, Espesyal na Sugo ng Tsina sa Suliraning Afghan at nakipag-ugnayan siya sa matataas na opisyal ng pansamantalang pamahalaang ng bansa.
Ayon kay Zhao, isinaad ni Yue sa pag-uusap na iginigiit ng Tsina ang patakaran ng di-panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Afghanistan.
Lagi’t lagi aniyang pinatitingkad ng Tsina ang konstruktibong papel para sa paglutas sa isyu ng Afghanistan sa paraang pulitikal.
Ipinagdiinan naman ng Taliban ang lubos nitong pagpapahalaga sa relasyon sa Tsina, Rusya, at Pakistan.
Anito, sa aspekto ng pagpapatatag ng kapayapaan at katatagan ng Afghanistan, pinalalakas ng nasabing tatlong bansa ang konstruktibo at responsableng papel.
Salin: Lito
Pulido: Rhio