Ipinahayag Setyembre 13, 2021 ni Suhail Shaheen, Tagapagsalita ng Afghan Taliban, na dapat alisin ng Amerika ang pagkontrol o pagkakayelo ng mga ari-arian ng Afghanistan, dahil ang mga ito ay pag-aari ng mga mamamayang Afghan.
Isasagawa ng pansamantalang pamahalaang Afghan ang lahat ng hakbanging pambatas para pasulungin ang pag-aalis sa pagkakayelo ng naturang mga ari-arian, aniya pa.
Kaugnay nito, sinabi Setyembre 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tama ang sinabi ni Shaheen.
Ang naturang mga ari-arian ay nabibilang at dapat gamitin ng mga mamamayang Afghan, at hindi nararapat kontrolin ng panig Amerikano, diin niya.
Ani Zhao, dapat tumpak na pakitunguhin ng panig Amerikano ang legal at makatarungang hiling ng Afghanistan, itakwil ang pagpataw ng presyur at sangsyon, at huwag lumikha ng mga hadlang sa kabuhayan, pamumuhay, kapayapaan, at rekonstruksyon ng Afghanistan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio