Pagtitigil ng ilegal na panghihimasok-militar, ipinanawagan ng 10 bansa

2021-09-23 14:16:16  CMG
Share with:

Sa ngalan ng mahigit sampung bansang may magkakaparehong posisyon na tulad ng Rusya, Cuba, Sri Lanka, Iran, at Laos, isang talumpati ang ipinahayag nitong Setyembre 22, 2021 ni Jiang Rui, Sugo ng Pirmihang Delegasyong Tsino sa United Nations (UN) sa Geneva.

Hinimok niya ang kaukulang bansa na agarang itigil ang ilegal na panghihimasok-militar sa ibang bansa.

Ipinahayag ni Jiang na sa katuwiran ng umano’y “demokrasya” at “karapatang pantao,” lantarang pinanghimasukan at sinakop ng kaukulang bansa ang ilang soberanong bansa sa paraang militar, bagay na grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas, grabeng nakakapinsala sa soberanya at kabuuan ng teritoryo, at grabeng nakakasira sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng nabiktimang mga bansa.

Bukod dito, ang nasabing hakbang ani Jiang ay nagresulta sa malaking kasuwalti sa mga  inosenteng sibilyan at pagkawasak ng kanilang mga pabahay.

Ito ay grabeng lumalapastangan sa karapatang-pantao ng mga mamamayan sa nabiktimang bansa, diin niya.

Sinusulsulan din aniya ng kaukulang bansa ang mga sundalo nito na magsagawa ng ilegal na pamamaslang  at pang-aabuso sa mga sibilyan ng biktimang bansa, bagay na labag sa alituntunin sa digmaan at laban sa sangkatauhan.

Ngunit, dahil sa pagsasanggalang ng pamahalaang ng kaukulang bansa, di-pa naparurusahan ang mga salarin.

Diin pa ni Jiang, dapat agarang itigil ng kaukulang bansa ang ilegal na panghihimasok na militar sa ibang bansa, bigyan ng kompensasyon ang mga nabiktimang bansa at kanilang mga mamamayan, at isabalikat ang kanilang karapat-dapat na obligasyon sa pagsasakatuparan ng mapayapang reskonstruksyon sa mga nabiktimang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method