Pangulong Tsino, nanawagan sa UNGA na patatagin ang kompiyansa at magkakasamang manaig sa mga pandaigdigang hamon

2021-09-22 10:48:00  CMG
Share with:

Pangulong Tsino, nanawagan sa UNGA na patatagin ang kompiyansa at magkakasamang manaig sa mga pandaigdigang hamon_fororder_20210922XiUN600

Sa pamamagitan ng video link, dumalo sa Beijing nitong Setyembre 21, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-76 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UNGA).

Sa kanyang talumpating pinamagatang “Patatagin ang Kompiyansa, Magkakasamang Manaig sa Kasalukuyang Kahirapan, at Magkakasamang Itayo ang Mas Magandang Daigdig,” tinukoy ni Pangulong Xi na ang kasalukuyang taon ay sentenaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ito rin ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng People’s Republic of China sa UN. Patuloy aniyang pasusulungin ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa UN para walang humpay na makapagbigay ng bago at mas malaking ambag sa dakilang usapin ng UN.

Kaugnay ng pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinagdiinan ni Xi na kasalukuyang sinasalanta pa ng pandemiya ang buong mundo. Pumasok ang daigdig sa panahon ng pagbabago. Dapat tugunan ng bawat responsableng politiko ang problemang ito sa kasalukuyang siglo.

Ani Xi, una, dapat pagtagumpayan ang pandemiya ng COVID-19, dahil ito ay may kaugnayan sa kinabukasan at kapalaran ng buong sangkatauhan; ikalawa, dapat i-ahon ang kabuhayan at pasulungin ang mas malakas, luntian, at malusog na pag-unlad ng buong mundo para magkakasamang mapasulong ang balanse, koordinado, at inklusibong pag-unlad ng daigdig.

Tungkol sa Pag-unlad ng Buong Mundo, iniharap ni Pangulong Xi ang kanyang inisyatiba na kinabibilangan ng una, dapat igiit ang pagpapauna ng kaunlaran; ikalawa, dapat igiit ang pagiging sentro ng mga mamamayan; ikatlo, dapat igiit ang inklusibong ideya ng pag-unlad; ikaapat, dapat igiit ang pagpapasulong ng kabuhayan sa pamamagitan ng inobasyon; ikalima, dapat igiit ang maharmoniyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan; ika-anim, dapat igiit ang pagkilos para maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong mundo.

Ipinahayag din ni Xi na dapat palakasin ng iba’t-ibang bansa ang pagkakaisa at ipatupad ang ideya ng pandaigdigang relasyon na may paggagalangan sa isa’t-isa, kooperasyon at win-win result. Ang isang mapayapa at maunlad na daigdig ay dapat magkaroon ng iba’t-ibang porma ng sibilisasyon, at dapat taglayin ang iba’t-ibang uri ng landas tungo sa modernisasyon. Ang Tsina aniya ay palagiang nananatiling tagapagtatag ng kapayapaang pandaigdig, tagapag-abuloy ng kaunlarang pandaigdig, tagapagtanggol ng kaayusang pandaidig, at tagapagsuplay ng mga produktong pampubliko. Patuloy itong magkakaloob ng bagong pagkakataon para sa daigdig sa pamamagitan ng sariling kaunlaran, ani Xi.

Idinagdag pa niya na dapat pabutihin ang pagsasaayos sa buong mundo at ipatupad ang tunay na multilateralismo. Iisa lang ang sistema sa daigdig na ang nukleo ay UN.

Pananalig ni Xi na di mahahadlangan ang tunguhin ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan. Dapat patatagin ang kompiyansa, magkakasamang harapin ang pandaigdigang banta at hamon at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may komong kapalaran ng sangkatauhan para magkakasamang maitayo ang mas magandang daigdig, diin pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method