CMG Komentaryo: Plano ng Tsina, ipinakikita ang responsibilidad ng isang malaking bansa

2021-09-23 15:20:05  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Plano ng Tsina, ipinakikita ang responsibilidad ng isang malaking bansa_fororder_20210923komentaryo

Sa kanyang naka-video na talumpati sa Pangkalahatang Debatehan ng Ika-76 na Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UNGA) nitong Martes, Setyembre 21, 2021, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isang serye ng mga bagong paninindigan at hakbangin hinggil sa magkasamang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagpapasigla ng kabuhayan, pag-unlad ng relasyong pandaigdig, pagkumpleto ng global governance at iba pang isyu, bagay na nagpapakita ng unibersal na kahilingan at komong pananabik ng komunidad ng daigdig, lalung-lalo na, ng mga umuunlad na bansa.
 

Kaugnay ng pandaigdigang pagsisigasig laban sa pandemiya, ipinagdiinan ni Xi na dapat palakasin ang magkasanib na pagpigil at pagkontrol ng buong mundo laban dito, gawing pandaigdigang produktong pampubliko ang bakuna, at suportahan ang pandaigdigang siyentipikong pagsisiyasat sa pinagmulan ng virus.
 

Aniya, magpupunyagi ang Tsina para ipagkaloob ang 2 bilyong dosis ng bakuna sa labas at loob ng kasalukuyang taon.
 

Bukod sa $USD 100 milyong donasyon sa COVAX, muling libreng ibibigay sa mga umuunlad na bansa ang 100 milyong dosis ng bakuna sa loob ng taong ito, dagdag niya.
 

Hinggil sa kabuhayang pandaigdig, nanawagan si Pangulong Xi na dapat igiit ang pagpapauna sa kaunlaran, pagiging sentro ng mga mamamayan, pagpapasulong ng kabuhayan sa pamamagitan ng inobasyon, at maharmoniyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan.
 

Saad niya, sa loob ng darating na 3 taon, muling ipagkakaloob ng Tsina ang $USD 3 bilyon na saklolong pandaigdig, puspusang kakatigan ang pagpapaunlad ng mga umuunlad na bansa sa berde’t mababang karbon na enerhiya, at hindi pagtatayo ng bagong proyekto ng enerhiyang mula sa uling sa ibayong dagat.
 

Tungkol sa relasyong pandaigdig at multilateralismo, iniharap ng pangulong Tsino na “ang demokrasya ay hindi espesyal na karapatan ng iisang bansa lang, sa halip, ito ay karapatan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.”
 

Dagdag pa ni Xi, “napakalaki ang pinsala mula sa interbensyong militar mula sa labas at umano’y democratic transformation,” “pagtatakwil ng pagbuo ng small circles o zero-sum games” at iba pa.
 

Napatunayan ng mga bagong paninindigan at hakbanging ipinatalastas ni Xi sa UNGA, na sa mula’t mula pa’y ang Tsina ay tagapagtatag ng kapayapaan sa daigdig, tagapag-ambag ng kaunlaran sa mundo, tagapagtanggol ng kaayusang pandaigdig, at tagapagkaloob ng produktong pampubliko.
 

Sa pamamagitan ng sariling bagong kaunlaran, tiyak na ipagkakaloob ng Tsina ang bagong pagkakataon sa buong mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method