Pagbati at pangungumusta, ipinaabot ni Xi JInping sa bisperas ng Kapistahan ng Anihan ng mga Magsasaka ng Tsina

2021-09-23 11:31:42  CMG
Share with:

Sa bisperas ng ika-4 na Kapistahan ng Anihan ng mga Magsasaka ng Tsina, ipinaabot ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang pagbati at taos-pusong pangungumusta sa mga magsasaka at trabahante ng unang prente ng agrikultura at kanayunan.
 

Tinukoy ni Xi na pagpasok ng kasalukuyang taon, napanaigan ng bansa ang mga kahirapang gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), baha at iba pa.

Pagbati at pangungumusta, ipinaabot ni Xi JInping sa bisperas ng Kapistahan ng Anihan ng mga Magsasaka ng Tsina_fororder_20210923anihan

Aniya, masagana ang ani ng pagkaing-butil at produksyong agrikultural, may-harmonya at matatag ang mga kanayunan, at maligaya ang pamumuhay ng mga magsasaka.
 

Diin niya, sa proseso ng pag-ahon ng nasyong Tsino, dapat pasiglahin ang mga kanayunan.
 

Sa bagong biyahe ng pagsasakatuparan ng ika-2 sentenaryong target ng pagpupunyagi, dumako na sa komprehensibong pagpapasulong sa kasiglahan ng kanayunan ang pokus ng gawaing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan, at magsasaka, dagdag niya.
 

Hinggil dito, hiniling niya sa mga komite ng partido at pamahalaan sa iba’t-ibang antas na igiit ang pagbibigay-priyoridad sa pag-unlad ng agrikultura at kanayunan, pabilisin ang modernisasyon ng agrikultura at kanayunan, at isulong ang patuloy na pagsagana ng buhay ng mga magsasaka.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method