Ipinalabas Setyembre 26, 2021, ng Tanggapan sa Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang white paper sa demograpikong pag-unlad ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uygur sa Xinjiang, Tsina.
Ayon sa dokumento komprehensibong pinapa-unlad ang kabuhayan at lipunan sa Xinjiang, matatag at maganda ang pamumuhay ng mga mamamayan, at balanse at malusog ang pag-unlad ng populasyon.
Tinukoy pa nitong ang pag-unlad ng populasyon sa Xinjiang ay angkop sa komong panuntunan ng pag-unlad ng populasyon sa buong daigdig.
Sinabi rin sa white paper na sa hinaharap, mananatiling matatag ang paglaki ng populasyon sa Xinjiang, partikular ng lahat ng mga minoryang etniko.
Diin pa nito, ang pag-unlad ng populasyon ng Xinjiang ay kinakailangang bunga ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at ang mga kasinungalingang ikinakalat ng ilang puwersang dayuhang kontra Tsina, na mayroong umanong “genocide” ay nakatuon lamang sa paninirang-puri at pagpigil sa pag-unlad ng Tsina.
Tiyak itong magbibigo, saad ng dokumento.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio