Kalagayan ng pagpapawi sa kahirapan at paggarantiya sa hanap-buhay sa Xinjiang, inilahad ng mga kinatawang Tsino sa UNHRC

2021-09-24 15:06:59  CMG
Share with:

Batay sa sarili nilang karanasan, isinalaysay ng mga kinatawan ng etnikong grupo ng Tsina sa ika-48 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ang mga natamong tagumpay ng bansa sa pagpapawi sa karalitaan at paggarantiya sa hanap-buhay sa Xinjiang.
 

Inihayag ng kinatawan ng lahing Tajik mula sa Kizilsu Kirgiz Autonomous Prefecture na di-mainam ang likas na kapaligiran sa kanyang lupang tinubuan, at atrasado ang imprastruktura.
 

Pero salamat sa mga patakaran ng pamahalaang lokal, inilipat ang mga mamamayan sa magagandang gusali na may tumatakbong tubig, natural gas at internet, at nagtatamasa rin sila ng libreng serbisyong medikal at edukasyon.
 

Dagdag niya, ipinagkakaloob din ng pamahalaan ang iba’t-ibang tulong sa kanilang produksyon at pamamalakad.
 

Sa kasalukuyan, may matatag na kita ang bawat pamilya, at gumaganda ang kani-kanilang pamumuhay, dagdag niya.
 

Sinabi naman ng kinatawan ng lahing Uygur mula sa Aksu Prefecture ng Xinjiang na sa pamamagitan ng campus recruitment, nagkaroon siya ng magandang trabaho.
 

Bukod sa mga pundamental na segurong panlipunan, ipinagkakaloob din sa kanya ng kanyang kompanya ang espesyal na pagsasanay sa aspekto ng teknika at ligtas na produksyon.
 

Aniya, may lubos na garantiya ang oras ng kanyang pahinga at bakasyon, at iginagalang din ang kanyang kalayaang panrelihiyon.
 

Dagdag niya, ang paghahanap-buhay ay para sa mas maligayang pamumuhay, at walang anumang batayan ang umano’y isyu ng sapilitang pagtatrabaho.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method