Rusya sa Amerika: maging mas aktibo sa talastasang nuklear ng Iran

2021-09-26 16:04:15  CMG
Share with:

Sa preskon Setyembre 25, 2021, sa New York, Punong Himpilan ng United Nations (UN), ipinahayag ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na dapat maging mas aktibo ang Amerika sa isyu ng kasunduang nuklear ng Iran.

Rusya sa Amerika: maging mas aktibo sa talastasang nuklear ng Iran_fororder_04iran

Matatandaang magkakasamang narating ng mga bansang gaya ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, Alemanya at Iran ang nasabing kasunduan noong Hulyo, 2015.

 

Ipinahayag ni Lavrov ang pag-asang muling sisimulan ang talastasan hinggil sa kasunduang nuklear ng Iran sa lalo madaling panahon.

 

Sinabi pa niya na pagkatapos umalis ng Amerika mula sa kasunduan, patuloy at matapat na sinusunod ng Iran ang kasunduan, at umaasa itong babalik ang Amerika sa kasunduang ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method