Meng Wanzhou, pauwi na sa Tsina

2021-09-25 16:26:54  CMG
Share with:

Meng Wanzhou, pauwi na sa Tsina_fororder_bb92a8da53e74bdeb0a197c851077264

 

Sa pamamagitan ng walang tigil na pagsisikap ng pamahalaang Tsino, umalis ng Kanada pabalik sa Tsina, Setyembre 24, 2021, si Meng Wanzhou, Chief Financial Officer ng Huawei Technologies Co., Ltd. ng Tsina, sakay ng charter flight na inayos ng pamahalaang Tsino.

 

Natapos sa araw na ito ang house arrest kay Meng sa Kanada, pagkaraang bawiin ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika ang kahilingan para sa kanyang ekstradisyon.

 

Dinakip noong 2018 si Meng sa Vancouver International Airport sa kahilingan ng Amerika.

 

Nauna rito, sinabi ni William Taylor III, isa sa mga abugadong kumakatawan kay Meng, na hindi inamin ni Meng ang sala sa akusasyon ng pandaraya, at nakuha niya, kasama ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika ang deferred prosecution agreement.

 

Sa ilalim ng kasunduang ito, hindi muna isasakdal si Meng sa Amerika, at ititigil ang proseso ng ekstradisyon sa kanya sa Kanada, dagdag ng nabanggit na abugado.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method