Anumang tangka upang pigilin ang pag-unlad ng mga umuunlad na bansa, tiyak na mabibigo – Wang Yi

2021-09-27 13:44:05  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Setyembre 26, 2021 kay Hassoumi Massaoudou, Ministrong Panlabas ng Niger sa sidelines ng ginaganap na Pangkalahatang Debatehan ng United Nations General Assembly (UNGA), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang kolektibong pag-ahon ng mga umuunlad na bansa ay pinakamalinaw na katangian ng kasalukuyang siglo.

Ito rin aniya ay mahalagang sagisag ng komprehensibong pagsulong ng buong sangkatauhan.

Ani Wang, ang anumang tangka upang pigilin ang lehitimong karapatan sa pag-usbong ng mga umuunlad na bansa ay tiyak na mabibigo.

Ipinahayag naman ni Hassoumi na ipinagkakaloob ng kaunlaran ng Tsina ang karanasan para sa mga umuunlad na bansa, bagay na nakakapagpasigla sa walang-patid na pag-ahon ng mga bansang Aprikano.

Bukod dito, buong pagkakaisang sumang-ayon ang kapuwa panig na magsikap para walang humpay na mapalalim ang kooperasyong Sino-Aprikano.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method