Bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Zimbabwe

2021-09-27 16:09:24  CMG
Share with:

Dumating hapon ng Setyembre 26, 2021, sa Harare, kabisera ng Zimbabwe, ang ika-4 na batch ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina.

 

Sa seremonya ng pagsalubong sa paliparan, pinasalamatan ni Constantine Chiwenga, Pangalawang Pangulo at Ministro sa Kalusugan ng Zimbabwe, ang tulong ng Tsina sa laban ng bansa kontra COVID-19.

 

Ipinahayag niyang ito ay lubos na nagpapakita ng kooperasyon ng dalawang bansa sa mataas na lebel.

 

Samanatala, sinabi ni Guo Shaochun, Embahador ng Tsina sa Zimbabwe, na sa hinaharap, patuloy na palalakasin ng Tsina at Zimbabwe ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at pasusulungin ang estratehikong partnership sa bagong antas.

Bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Zimbabwe_fororder_02zimbabwe

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method