Wuzhen, Lalawigang Zhejiang ng Tsina—Sa news briefing kahapon, Setyembre 26, 2021, inilabas ng Chinese Academy of Cyberspace Studies ang World Internet Development Report 2021 at China Internet Development Report 2021, dalawang bluepaper ng World Internet Conference.
Sinuri ng China Internet Development Report ang kalagayan ng pag-unlad ng internet sa 31 lalawigan, rehiyong awtonomo at munisipalidad ng bansa.
Ayon dito, nakikitang nasa unang sampung puwesto ang pangkalahatang pag-unlad ng internet sa mga lugar na gaya ng Beijing, Guangdong, Shanghai, Shandong, Jiangsu, Zhejiang, Sichuan, Fujian, Tianjin at Hubei, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Batay naman sa pag-aanalisa sa inobasyon ng pag-unlad ng internet sa 48 napiling bansa’t rehiyon, nanguna ang Amerika, Tsina, Britanya, Alemanya, at Kanada.
Salin: Vera
Pulido: Rhio