White paper hinggil sa moderate prosperity, inilabas ng Tsina

2021-09-28 11:25:54  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Setyembre 28, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang “Epikong Paglalakbay ng Tsina Mula Karalitaan Tungo sa Kasaganaan.”
 

Tinukoy ng white paper na ang komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan ay masusing hakbang tungo sa dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.
 

Anang dokumento, ang moderate prosperity sa lahat ng aspekto ng sambayanang Tsino ay nagpapakita ng pagkabalanse, pagkakoordinado at sustenabilidad ng pag-unlad, at nagsisilbi itong may kaginhawahang lipunan na may koordinadong pag-unlad ng sibilisasyong materyal, sibilisasyong pulitikal, sibilisasyong pandiwa, sibilisasyong panlipunan at sibilisasyong ekolohikal. Hindi lamang ito nakakatugon sa parami nang paraming pangangailangan ng mga mamamayan sa iba’t ibang antas at aspekto, kundi walang humpay na nakakapagpasulong din sa komprehensibong pag-unlad ng mga indibiduwal.
 

Diin ng White Paper, bilang bansang may pinakamalaking populasyon at pinakamalaking umuunlad na bansa, ang pagtatatag ng Tsina ng may-kaginhawahang lipunan sa lahat ng aspekto ay malinaw na nakapagpaliit ng bilang ng mahihirap na populasyon sa daigdig, at ito ay napakalaking ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
 

Tinukoy ng dokumento na buong tatag na iginigiit ng Tsina ang estratehiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win results, pinauunlad ang bukas na ekonomiya sa mas mataas na antas, at pinapasulong ang pagbuo ng bagong kayariang may komprehensibong pagbubukas, para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon ng pamilihan, pamumuhunan at paglago sa iba’t ibang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method