White paper sa progreso ng karapatang-pantao sa pamamagitan ng pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan, inilabas ng Tsina

2021-08-12 15:13:05  CMG
Share with:

Inilabas Huwebes, Agosto 12, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang “Moderate Prosperity in All Respects: Another Milestone Achieved in China's Human Rights.”
 

Anito, ang komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan ay mahalagang estratehiyang pangkaunlaran ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaan, para sa pagpapataas ng biyaya ng mga mamamayan, pagpapa-angat ng lebel ng garantiya sa karapatang-pantao ng lahat ng mamamayan, at pagsasakatuparan ng modernisasyon ng bansa.
 

Tinukoy ng dokumento na sa pamamagitan ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, pinatibay ang pundasyon ng karapatang-pantao, pinayaman ang kahulugan ng salitang karapatang-pantao, at pinalawak ang pananaw sa usapin ng karapatang-pantao.
 

Anang dokumento, ito ay nangangahulugang nagkaroon ng komprehensibong pag-unlad at magkakasamang tinatamasa ng lahat ng mamamayan ang karapatang-pantao, at lumikha ng bagong kabanata sa usapin ng karapatang-pantao sa Tsina.
 

Ayon pa rito, ang pagtatamasa ng katam-tamang kaginhawahan ng Tsina ay nakikita sa iba’t ibang aspektong gaya ng paglago ng kabuhayan, domokrasyang pulitikal, kasaganaan ng kultura, pagkakapantay-pantay ng lipunan, malusog na ekosistema, koordinadong pag-unlad ng mga lunsod at nayon, lubos na paggalang at komprehensibong pangangalaga sa karapatang-pantao at iba pa.
 

Anang white paper, sa bagong biyahe ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalistang modernong bansa, sa ilalim ng pamumuno ng CPC, patuloy na magpupunyagi ang lahat ng mga mamamayang Tsino para sa pagkakaroon ng mas maligaya’t maginhawang pamumuhay at pagkakaroon ng karapatang-pantao sa mas mataas na antas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method