Plano ng Aksyon sa Karapatang-pantao ng Tsina: 168 kinauukulang target at misyon, naisakatuparan

2021-09-29 16:02:19  CMG
Share with:

Ayon sa “Ulat sa Kalagayan ng Pagsasagawa ng Pambansang Plano ng Aksyon ng Tsina sa Karapatang Pantao (2016-2020),” na ipinalabas Setyembre 29, 2021, naisakatuparan na ang lahat ng 168 target at misyon.

 

Sa kabuuan, mula noong 2016 hanggang 2020, iginigiit anito ng pamahalaang Tsino ang ideya na gawing sentro ang mga mamamayan, mataimtim na isinakatuparan ang prinsipyo ng konstitusyon hinggil sa “paggalang at paggarantiya sa karapatang-pantao,” isinagawa ang aktuwal na hakbangin, at aktibong pinasulong ang pagsasakatuparan ng iba’t-ibang kinauukulang misyon, at natamo ang malaking bunga.

 

Diin pa ng ulat, natapos ng Tsina ang target sa pagpawi sa karalitaan at itinatag ang may kaginhawahang lipunan, na siya namang nag-angat sa lebel ng garantiya ng karapatang-pantao ng mga mamamayang Tsino.

 

Samantala, sinabi rin sa ulat na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, mayroon pa ring mga umiiral na problema, gaya ng kawalang-balanse ng pag-unlad sa karapatang-pantao, kaya lalo pang pagbubutihin ng bansa ang ilang larangan at hakbang sa hinaharap.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method