Sinabi kahapon, Setyembre 24, 2021, ni Pangalawang Ministrong Panlabas Ma Zhaoxu ng Tsina, na sa harap ng mga elemento ng kawalang-katiyakan sa pandaigdigang usapin ng karapatang pantao, nakakatawag ng malawak na pansin ang idinaraos na ika-48 sesyon ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations (UNHRC).
Binigyang-diin ni Ma, na ang UNHRC ay plataporma kung saan isinasagawa ng iba't ibang panig ang konstruktibong diyalogo at kooperasyon tungkol sa isyu ng karapatang pantao, batay sa prinsipyo ng pagiging obdiyektibo at makatarungan, walang kinikilingan, at hindi namumulitika. Ito aniya ay hindi dapat maging lugar kung saan isinasagawa ang pulitikal na komprontasyon.
Isinalaysay ni Ma, na sa kasalukuyang sesyon, ginawa ng Tsina ang mga talumpati tungkol sa "kahalagahan ng kapayapaan at katiwasayan sa karapatang pantao," "pagpapatupad ng karapatan sa pag-unlad na nukleo ang mga mamamayan," "pagpapasulong sa pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)," at iba pang isyu. Itinaguyod din aniya ng Tsina ang mga sideline na pulong tungkol sa "industriya, komersyo, at karapatang pantao," "pangangalaga sa karapatang pantao sa pandemiya," "kahalagahan ng pagbabawas ng karalitaan sa karapatang pantao," at iba pang paksa.
Sinusuportahan ng maraming bansa ang paninindigan ng Tsina sa mga isyu ng karapatang pantao, dagdag niya.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos