Mga lider ng Amerika, Hapon, India at Australia, nagtagpo

2021-09-26 16:09:43  CMG
Share with:

Mga lider ng Amerika, Hapon, India at Australia, nagtagpo_fororder_20210926Quad

White House, Estados Unidos—Ginanap nitong Biyernes, Setyembre 24, 2021 ang kauna-unahang Quad summit na nilahukan nina Pangulong Joe Biden ng Amerika, Punong Ministro Yoshihide Suga ng Hapon, Punong Ministro Scott Morrison ng Australia at Punong Ministro Narendra Modi ng India.
 

Ayon sa White House, isasagawa ng apat na bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagharap sa pandemiya, seguridad na pangkalusugan, impra-estruktura, pagbabago ng klima, people-to-people exchanges at edukasyon, mahahalaga at bagong-sibol na teknolohiya, cyber security, kalawakan at iba pa.
 

Samantala, iniwasan naman ng mga kalahok na lider na banggitin ang Tsina.
 

Malawakan namang ipinalalagay ng opinyong publiko at mga tagapag-analisa na target nilang puntiryahin ang walang humpay na pagtaas ng impluwensiya ng Tsina sa rehiyon.
 

Bilang tugon sa Quad summit, tinukoy nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang pananaw ng panig Tsino na ang anumang rehiyonal na mekanismong pangkooperasyon ay hindi dapat nakatuon sa ika-3 panig, o makakapinsala sa interes ng ika-3 panig.
 

Aniya, ang pagbuo ng small circle ay taliwas sa agos ng panahon at mithiin ng mga mamamayan, at tiyak itong mabibigo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method