Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS

2021-09-24 17:55:41  CMG
Share with:

Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS_fororder_微信图片_20210924210041

Nagpahayag ng pananaw ang ilang kilalang personahe sa Pilipinas kaugnay ng bagong alyansang militar ng Australia, United Kingdom at United States (AUKUS). Sa pamamagitan ng alyansa,  pinirmahan ang arms deal para sa pagkakaroon ng Australia ng walong (8) nuclear submarines.  Tinalakay sa online media forum na ginanap Seytembre 24, 2021 ang magiging epekto nito sa Pilipinas, maging sa rehiyon at daigdig.

 

Sa opinyon ni Bobby Tuazon, Director for Policy Studies, Center for People Empowerment in Governance (CenPEG),  na ang alyansang militar ay nagbibigay ng nuclear weapon capability sa Australia. Labag ito sa Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT)  at taliwas sa Southeast Asia Zone of Peace, Freedom and Neutrality (ZOPFAN).  Ang hakbang na ito ay arms race trigger di lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.

 

Dapat aniyang, muling pasadahan ng Pilipinas ang mga kasunduang militar nito sa Amerika at Australia. Magsalita tungkol sa isyu dahil apektado ang kapayapaan at pag-unlad ng bansa. Ipahayag ang pagtutol sa pagkakaroon ng mga bagong  panganib at banta sa rehiyon, dahil patuloy pang lumalaban ang bansa sa pandemya at di pa nakakabangon (ang ekonomiya).  

Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS_fororder_微信截图_20210927105305

 Si Bobby Tuazon, Director for Policy Studies, Center for People Empowerment in Governance (CenPEG)

 

Madadawit ang Pilipinas sa digmaan kung sa sakali man, dahil sa mga kasunduang militar nito, paliwanag pa ni Prof. Leomil Aportadera ng University of San Agustin.

Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS_fororder_微信截图_20210927113305

Si Prof. Leomil Aportadera ng University of San Agustin

 

Samantala, ipinahayag naman ni Victor Corpuz, retired Brigadier General ng Armed Forces of the Philippines(AFP)na dapat maging mapanuri ang mga lider ng bansa kung ang pagkampi sa isang panig ay makakabuti sa pambansang interes. O kung ang neutrality ang siyang  pinakamainam na paraan para protektahan ang pambansa at pangseguridad na interes ng Pilipinas.

Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS_fororder_微信截图_20210927104048

Si Victor Corpuz, retired Brigadier General ng AFP

 

Ibinahagi naman ni Aaron Jed Rabena, Research Fellow ng Asia-Pacific Pathways to Progress, na ang AUKUS ay isang containment strategy. At gaya ng nasaksihan, sa bawat galaw ng Amerika may ganti ang Tsina. Ang AUKUS arms deal ay titingnan ng Tsina bilang paghahanda sa isang naval war fare at maaaring palakasin din nito ang sariling maritime and naval capability.

 

Dalawang scenarios ang nakikita ni Rabena kung mag-e-escalate ang sitwasyon: una hindi isasa-alang-alang ng mga superpowers ang mga karatig bansa; ikalawa, maaaring mapilitan ang mga bansang ASEAN na pumili ng panig na kakampihan.

Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS_fororder_微信截图_20210927104333

Aaron Jed Rabena, Research Fellow ng Asia-Pacific Pathways to Progress

 

Samantala, panawagan ng dating Senador Nikki Coseteng, Think ASEAN at huwag maniwala sa pangako ng Amerika. Dahil tiyak na sariling interes ng Amerika lamang ang mananaig, gaya ng mapapatunayan sa kasaysayang  panghihimasok sa problema ng ibang bansa na nag-iwan ng maraming kamatayan.

Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS_fororder_微信截图_20210927103911

Si dating Senador Nikki Coseteng

 

Ani Anna Malindog-Uy, ASEAN Post, Sovereign.ph columnist,  tapos na ang unipolar world na pinangungunahan ng Amerika. Ngayon mayroon ng multipolar world. Ang mga bansa sa Asya ay dapat kumilos para magkaroon ng balanse ng kapangyarihan. Hindi dapat ito isagawa sa pamamagitan ng unilateralismo at paglikha ng mga grupo, kundi dapat  itong makamit sa pamamagitan ng multilateralismo at pagtatatag ng relasyong bilateral sa pagitan ng mga bansa.

Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS_fororder_微信截图_20210927103838

Si Anna Malindog-Uy, kolumnista ng ASEAN Post, Sovereign.ph

 

Ang online media forum ay itinaguyod ng Philippine BRICS Strategic Studies sa pamumuno ng kilalang media personality na si Herman Laurel.

 

Ayon sa position paper ng grupo, ang arms deal ng AUKUS ay lumalabag sa ASEAN Zone of Peace, Freedom and Neutrality at sa Nuclear Non-Proliferation Treaty. Ang alyansa ay nagsusulong ng ideya ng Cold War, na di umano ay nakatuon sa Pag-ahon ng Asya. Nagbabanta ito sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Interes ng Pilipinas sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran dapat mangibabaw sa harap ng alyansang militar ng AUKUS_fororder_微信截图_20210927111531

Si Herman Laurel, Direktor ng Philippine BRICS Strategic Studies

 

Mapapakinggan at mapapanood ang nirekord na forum sa AUKUS Impact on the Philippines and ASEAN

 

Ulat: Machelle Ramos

Patnugot: Jade/Mac

Larawan: PhilBRICS

 

Please select the login method