Nararapat tawagin ang Amerika bilang “the United States of Sanctions” — Tsina

2021-09-30 13:49:36  CMG
Share with:

Inilathala kamakailan sa magasing “Foreign Affairs” ni Daniel Drezner, Propesor ng Tufts University ng Amerika at mataas na mananaliksik ng Brookings Institution, ang artikulo kung saan binatikos niya ang Amerika sa malabis na economic coercion at paggamit ng karahasan bilang pangunahing opsyon sa paglutas sa mga diplomatikong isyu, bagay na nagbubunsod ng napakagrabeng makataong kapahamakan. Aniya, nagiging “the United States of Sanctions” ang Estados Unidos.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Setyembre 29, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nararapat na tanggapin ng Amerika ang nasabing bansag.

Ani Hua, ang pagmamalabis ng Amerika ng mga sangsyon ay grabeng nakakapinsala sa kaligtasan ng soberanya ng mga ibang bansa, malubhang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan ng mga kaukulang bansa, matinding lumalabag sa alintuntunin ng market economy at regulasyon ng pandaigdigang kabuhayan at kalakalan, labis na nakakasira sa katatagan at kaligtasan ng global industrial chains at supply chains, at nakakapinsala rin sa sariling kapakanan ng Amerika.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method