Nag-usap sa telepono Agosto 29, 2021, sina Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, tungkol sa situwasyon sa Afghanistan, relasyong Sino-Amerikano, at iba pang isyu.
Kaugnay sa situwasyon ng Afghanistan, ipinahayag ni Wang na nagkakaroon ng pundamental na pagbabago sa kalagayang panloob ng bansa.
Kaya, kailangan aniyang isagawa ng iba’t-ibang panig ang pakikipag-ugnayan sa Taliban.
Ani Wang, kailangang ipagkaloob ng Amerika kasama ng komunidad ng daigdig, ang ekonomiko at makataong tulong sa Afghanistan para ayudahan ang bagong awtoridad na Afghan sa pagpapanatili ng normal na takbo ng pamahalaan.
Sa paunang kondisyon ng paggalang sa soberanya at pagsasarili ng Afghanistan, dapat isagawa ng Amerika ang aktuwal na aksyon para tulungan ang nasabing bansa sa pagpigil sa terorismo at karahasan, sa halip na pagsasagawa ng double standards o opsyonal na paglaban sa terorismo, aniya pa.
Ipinahayag naman ni Blinken ang pag-unawa at paggalang sa pagkabahala ng panig Tsino sa isyu ng Afghanistan.
Kaugnay naman ng relasyong Sino-Amerikano, ipinahayag ni Wang na isasagawa ng panig Tsino ang pakikipag-ugnayan sa panig Amerikano batay sa atityud nito sa Tsina.
Kung nais ng panig Amerikano na mapanumbalik sa normal ang relasyon ng kapuwa panig, dapat nitong itigil ang pagdungis at pag-atake sa Tsina, at pagpinsala sa soberanya, kaligtasan, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, diin ni Wang.
Dagdag pa niya, buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang umano’y coronavirus origin investigation report na niluto at inilabas kamakailan ng American intelligence agencies.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
NHC, suportado ang pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus sa mga bansang kinabibilangan ng Amerika
Pagsasapulitika ng Amerika sa coronavirus origin tracing, walang kuwenta — Tsina
Tsina sa Amerika: itigil ang pagluluto ng mga katuwiran sa pagdungis at pag-atake sa Tsina
Wang Yi at Antony Blinken, nag-usap; isyu ng Afghanistan at relasyong Sino-Amerikano, tinalakay
Amerika, walang karapatang magsalita ng kung anu-ano sa isyu ng SCS