Agosto 29, 2021, inilabas ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang artikulong pinamagatang “One cannot whitewash its wrongdoings by smearing the other” sa pahayagang Manila Times.
Ani Huang, hiniling ng pamahalaang Amerikano sa mga intelligence agency nito ang pagluluto ng umano’y coronavirus origin investigation report upang dungisan at sirain ang reputasyon ng Tsina.
Aniya, ang nasabing kagawian ay maliwanag na pagbabalewala sa siyensiya at panlilinlang pampulitika.
Ang paggamit ng intelligence agency sa paghahanap sa pinagmulan ng coronavirus ay unibersal na pinagdududahan at tinututulan ng komunidad ng daigdig, saad pa ni Huang.
Sa kabilang banda, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), alinsunod sa paggigiit ng ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan, napapanahong ibinabahagi ng panig Tsino ang kaukulang karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at nagkakaloob ng abot-kayang tulong sa komunidad ng daigdig.
Ito aniya ay nakakapagbigay ng namumukod na ambag para sa pampublikong kaligtasang pangkalusugan ng buong mundo.
Hayag ni Huang, batid niyang bukas na inilahad ng mga mataas na opisyal ng Pilipinas na gaya nina Health Secretary Francisco Duque at Presidential Spokesperson Harry Roque, at iba’t-ibang sirkulo ng lipunang Pilipino ang kanilang pagtutol sa pagsasapulitika ng pandemiya at paghahanap sa pinagmulan ng virus.
Bukod dito, ipinalabas din ng iba pang mga bansa ang katulad na tinig, kaya dapat pahalagahan ng Amerika ang makatarungang tinig mula sa komunidad ng daigdig, diin pa niya.
Idinagdag ni Huang na ang nasabing investigation report ng Amerika ay isang ganap na pulitikal at mapagkunwaring ulat, na naglalayong pagtakpan ang katotohanan at takasan ang sariling responsibilidad sa pagkabigo sa paglaban sa pandemiya at ibaling ang sisi sa Tsina.
Ang naturang ulat aniya ay walang kinalaman sa paghahanap ng katotohanan hinggil sa pinagmulan ng coronavirus.
Sinabi pa ni Huang na hanggang sa ngayon, tinatanggihan pa rin ng panig Amerikano ang pagpapaliwanag sa makatuwirang duda ng komunidad ng daigdig hinggil sa Fort Detrick biological laboratory at mahigit 200 overseas biological lab nito.
Hindi maaaring linisin ng mga maling gawa ng Amerika ang sariling responsibilidad sa pamamagitan ng pagdungis sa Tsina, at may obligasyon itong magpaliwanag sa buong mundo, diin pa ni Huang.
Narito ang buong artikulo:
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Wang Yi at Antony Blinken, nag-usap hinggil sa situwasyon sa Afghanistan at relasyong Sino-Amerikano
NHC, suportado ang pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus sa mga bansang kinabibilangan ng Amerika
Pagsasapulitika ng Amerika sa coronavirus origin tracing, walang kuwenta — Tsina
Tsina sa Amerika: itigil ang pagluluto ng mga katuwiran sa pagdungis at pag-atake sa Tsina