Sa okasyon ng Martyrs' Day ng Tsina ngayong araw, Setyembre 30, 2021, ini-alay ni Pangulong Xi Jinping, kasama ng iba pang mga opisyal ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pamahalaang Tsino, at mga kinatawan ng iba’t ibang sangay ng lipunan, ang flower baskets sa mga bayani ng bansa sa Tian’anmen Square.
Ayon sa di-kumpletong datos, sa modernong panahon ng kasaysayan, halos 20 milyong bayani ang nagsakripisyo ng sariling buhay para sa pagsasarili ng nasyon, kalayaan at kaligayahan ng mga mamamayan, at kasaganaan ng bansa.
Noong Agosto ng 2014, idineklara ng organong lehislatibo ng Tsina ang Setyembre 30 bilang Martyrs' Day ng bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac