Katotohanan hinggil sa AUKUS alliance, ibinunyag ng embahador ng Tsina sa ASEAN

2021-10-01 15:57:04  CMG
Share with:

Magkahiwalay na inilathala kahapon, Setyembre 30, 2021 sa pahayagang “Jakarta Post” ng Indonesia at website nito ang may lagdang artikulo ni Deng Xijun, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na pinamagatang “Uncovering the truth about AUKUS alliance.”
 

Anang artikulo, nais ipakita ng Amerika, Britanya at Australia na sila ang tagapagpangalaga ng kaayusang pandaigdig na nakabatay sa mga alituntunin, pero dahil sa kanilang mga hakbangin at kasalukuyang katunayan, makikitang sila mismo ang pinakamalaking tagapagsira sa alituntunin.

Katotohanan hinggil sa AUKUS alliance, ibinunyag ng embahador ng Tsina sa ASEAN_fororder_20211001AUKUS

Ayon sa artikulo, base sa kalagayan ng kakapusan sa mabisang pagsusuri, ang paglilipat ng Amerika at Britanya ng malaking bolyum ng high enriched uranium sa Australia ay makakapinsala sa pandaigdigang sigasig laban sa nuclear disarmament at non-proliferation, at magdudulot ito ng panganib sa grabeng pagpapalaganap ng sandatang nuklear.
 

Saad ng artikulo, madalas na binabanggit ng Amerika, Britanya at Australia ang sentralidad ng ASEAN, pero pagdating sa usaping nakaka-apekto ng sariling kapakanan, biglang nawawala ang sentralidad na ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method