Ang AG600 ay sariling-yaring malaking ampibyang eroplano ng Tsina.
Sa idinaraos na Ika-13 Airshow China 2021 sa lunsod Zhuhai, lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, itinanghal ng AG600 ang kauna-unahang aerial water-dropping performance nito.
Ang AG600 na may code name na Kunlong, ay ang pinakamalaking eroplanong ampibyan sa daigdig.
Kaya nitong tupdin ang iba’t-ibang misyong ampibyan na gaya ng pagpatay ng apoy sa kagubahan, paghahanap at pagliligtas sa katubigan, at pagmomonitor sa kapaligirang pantubig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Video/Larawan: CMG