Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati

2021-10-02 14:59:49  CMG
Share with:

Upang ipagdiwang ang ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), idinaos kamakailan ng mga embahada at konsulada ng Tsina sa maraming bansa ang mga aktibidad.

Kasabay nito, ipina-abot ng mga dayuhang politiko at mapagkaibigang personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo ang kanilang pagbati sa nasabing okasyon.

On-line na aktibidad bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw, idinaos ng mga organong Tsino sa ibang bansa

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002biyetnam1600

Si Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Biyetnam

Ginanap Setyembre 30, 2021, ng embahadang Tsino sa Biyetnam ang on-line na aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC.

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002biyetnam2600

Si Nguyễn Hồng Diên, Ministro ng Industriya at Kalakalan ng Biyetnam

Para rito, ipinadala nina Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Biyetnam, at Nguyễn Hồng Diên, Ministro ng Industriya at Kalakalan ng Biyetnam, ang kanilang mga mensahe.

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002cuba1600

Si Ma Hui, Embahador ng Tsina sa Cuba

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002cuba2350

Si Gerardo Peñalver Portal, Pangalawang Ministro ng Cuba

Sa kabilang dako, nagpadala ng mensahe sa isa’t-isa sina Ma Hui, Embahador ng Tsina sa Cuba, at Gerardo Peñalver Portal, Pangalawang Ministro ng Cuba, kaugnay ng ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC at ika-61 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Cuba.

Samantala, idinaos Setyembre 30, 2021 (local time), ng delegasyong Tsino sa Unyong Aprikano ang on-line reception bilang pagdiriwang sa ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC.

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002Aprika600

Si Moussa Faki Mahamat, Tagapangulo ng AU

Dumalo at bumigkas naman ng talumpati sa resepsyon si Moussa Faki Mahamat, Tagapangulo ng Unyong Aprikano (AU) at ipinahayag niya ang mainit na pagbati sa nasabing okasyon.

Seremonya ng pagtataas ng watawat bilang maligayang pagsalubong ng Pambansang Araw, idinaos ng mga organong Tsino sa ibang bansa

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002Sudan600

Nitong unang araw ng Oktubre, 2021, idinaos ng Peacekeeping Infantry Battalion ng Tsina sa South Sudan ang seremonya ng pagtataas ng watawat bilang pagdiriwang sa ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC.

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_2021002Ehipto600

Ginanap din nang araw ring iyon ng embahadang Tsino sa Ehipto ang solemnang seremonya ng pagtataas ng watawat bilang maringal na pagbati sa kaganapang ito.

Espesyal na artikulo bilang pagdiriwang sa ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinalathala ng mga pangunahing media ng iba’t-ibang bansa

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002Kenya340

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002Fiji600

Ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, ipinagdiwang ng mga organong Tsino sa ibang bansa: politikong dayuhan, nagpa-abot ng pagbati_fororder_20211002Solomon600

Kabilang sa mga media ay ang pahayagang “Daily Nation” at “The Standard” ng Kenya, pahayagang “Fiji Sun” at “Fiji Times” ng Fiji, at pahayagang “Solomon Star” at “Island Sun” ng Solomon Islands.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method