Ipinahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Hossein Amir Abdollahian ng Iran, na sa malapit na hinaharap, babalik ang kanyang bansa sa multilateral na talastasan tungkol sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran.
Aniya pa, natapos na sa kabuuan ang pagbuo ng delegasyong Iranyo.
Matatandaang noong taong 2018, unilateral na tumalikod ang pamahalaan ni Donald Trump, dating US President, sa kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, at napanumbalik at idinagdag ang sangsyon laban sa Iran.
Bilang reaksyon, unti-unting sinususpendi ng Iran ang pagpapatupad ng bahaging probisyon ng naturang kasunduan.
Salin: Lito