Pangulong Tsino, bumati sa ika-73 pambansang araw ng Hilagang Korea

2021-09-09 11:55:46  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Setyembre 9, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Kim Jong Un, Pangkalahatang Kalihim ng Workers' Party of Korea at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea (DPRK), bilang pagbati sa ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag ng bansa.
 

Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, puspusang pinapasulong ng mga mamamayan ng Hilagang Korea ang pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.
 

Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ng Komite Sentral ng Workers’ Party, tiyak na maitatatag ng mga mamamayang Hilagang Koreano ang mas maunlad na estado.
 

Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Hilagang Koreano, at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Kim, para mapasulong ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kapuwa panig at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method