Sinabi Oktubre 3, 2021, ni Ned Price, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na ang aktibidad na militar ng Tsina sa paligid ng Taiwan ay posibleng makakasira ng katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito, at hinimok niya ang Tsina na itigil ang pagsusugpo sa Taiwan.
Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 4, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Taiwan ay bahagi ng Tsina. Aniya, ang naturang pananalita ng panig Amerikano ay grabeng lumabag ng prinsipyong Isang Tsina, at regulasyon ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, na nagpadala ng mali at di-responsableng signal sa labas.
Sinabi ni Hua na tiyak na mabibigo ang “pagsasarili ng Taiwan.” Matatag aniya ang determinasyon at mithiin ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Dagdag ni Hua, dapat aktuwal na sundin ng Amerika ang prinsipyong Isang Tsina at kinauukulang regulasyon ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, maayos na hawakan ang isyung may kinalaman sa Taiwan, itigil ang pagsuporta sa puwersa ng “pagsasarili ng Taiwan,” at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin:Sarah
Pulido:Frank