Amerika: isasagawa ang matapat na diyalogo sa Tsina kaugnay ng kalakalan

2021-10-05 15:32:13  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Oktubre 4, 2021, sa isang think tank ng Amerika, inilahad ni Katherine Tai, Kinatawang Amerikano sa Kalakalan, sa kauna-unahang pagkakataon, ang patakaran ng administrasyon ni Joe Biden sa kalakalan sa Tsina.

 

Sinabi ni Tai na hahawakan ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina sa “bago, komprehensibo at pragmatikong paraan.”

 

Aniya, pinaplano ng Amerika na isasagawa ang matapat na diyalogo sa Tsina kaugnay ng kalagayan ng pagpapatupad ng unang yugtong kasunduan sa kabuhayan at kalakalan, patakaran ng industriya at iba pang isyu.

Amerika: isasagawa ang matapat na diyalogo sa Tsina kaugnay ng kalakalan_fororder_07tsinaamerika

Samantala, ipinahayag niyang, itatakda ng Amerika, kasama ng mga kaalyado, ang “pantay-pantay” na regulasyon sa pandaigdigang kalakalan, at pangangalagaan, sa pamamagitan ng lahat ng mga patakaran, ang kabuhayan ng Amerika mula sa “di-pantay” na kompetisyon.

 

Sinabi rin ni Tai na malalim at malayo ang impluwensiya na dulot ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Aniya pa, bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang pakikitungo ng Amerika at Tsina sa isa’t isa ay may epekto hindi lamang sa dalawang bansa mismo, kundi rin sa buong daigdig.

 

Walang intensyon ang Amerika na palalain pa ang mahigpit na kalagayang pangkalakalan sa pagitan ng Amerika at Tsina, diin niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank

 

Please select the login method