Tsina sa Amerika, dapat itigil ang pagmamalabis ng pambansang puwersa sa pagpigil at pag-atake sa mga kumpanyang Tsino

2021-09-30 13:51:06  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ng US Federal Communications Commission (FCC) na sisimulan nito ang isang planong nagkakahalaga ng 1.9 bilyong dolyares para bayaran ang pagtanggal ng rural US telecom carriers ng mga network equipment na gawa ng mga kompanyang Tsino na tulad ng Huawei.

Kaugnay nito, sinabi nitong Setyembre 29, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyang malalang kalagayan ng pandemya at ekonomiya sa Amerika, puwedeng gamitin ang nasabing 1.9 bilyong dolyares sa mga lugar na may malaking pangangailangan.

Ani Hua, dapat iwasto ng Amerika ang kamalian nito, at itigil ang pagmamalabis ng pambansang puwersa at paggamit  ng maling katwiran upang pigilin at atakehin ang mga kompanyang Tsino.

Diin pa niya, patuloy at buong tatag na pangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method