Kalakalang panlabas ng Tsina, tuluy-tuloy na lumalaki nitong nakaraang 15 buwan

2021-10-05 15:28:41  CMG
Share with:

Ayon sa estadistika na ipinalabas kamakailan ng General Administration of Customs ng Tsina, nitong unang 8 buwan ng taong ito, umabot sa 24.78 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pagaangkat ng mga paninda ng Tsina, na lumaki ng 23.7% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 

Ito ang ika-15 buwan na tuluy-tuloy na paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina, na nagpakita ng matatag na tunguhin ng kabuhayang Tsino.

 

Bukod dito, ayon sa estadistika, nitong unang 8 buwan ng 2021, umabot sa 7.29 trilyong yuan RMB ang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina sa mga bansa ng “Belt and Road,” at ang paglaki ay 24.6%.

Kalakalang panlabas ng Tsina, tuluy-tuloy na lumalaki nitong nakaraang 15 buwan_fororder_04kabuhayan

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method